Lauren at Timothy TIYAK na papayag si Sue Sylvester!

Tinanggap na ni Lauren Potter—na mas kilala ng mga fans ng Glee bilang isa sa mga cheerleader ni Sue na si Becky Jackson—ang promise ring mula sa kanyang childhood friend-turned-boyfriend na si Timothy Spear sa Laguna Beach nitong Linggo.

Binitiwan na ni Spear, 26, ang nakakakilig na tanong sa pagpapakasal matapos ang kanilang romantic picnic sa Laguna, sinabi ng ina ni Potter na si Robin Sinkhorn sa People magazine.

“He picked out the ring, made payments on it, and then planned the picnic and the moment to get down on one knee to ask her to promise to be his one-and-only and marry him when they are ready,” ani Sinkhorn. “Then they watched the sunset together.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Magkakilala ang pamilya ng magkasintahan simula noong mga sanggol pa lamang sila.

Kapwa may Down Syndrome, parehong nakibahagi sina Potter, 26, at Spear, sa infant simulation classes sa Children’s Center sa Riverside.

“We’ve kept in touch over the years, but it wasn’t until the kids were reunited while they were both living in Laguna Beach,” sinabi ni Sinkhorn sa People. “When Lauren ended a relationship, Timothy immediately asked her out and they have been together since.”

Bukod sa pagganap sa Glee mula 2009 hanggang 2015, nagsilbing advocate si Potter para sa mga indibiduwal na may espesyal na pangangailangan. Dati siyang nagsilbi sa Committee for People with Intellectual Disabilities ni President Barrack Obama at naglakbay sa iba’t ibang lugar para maglahad ng mga talumpati na nagmumungkahi ng inclusion.

Kamakailan ay napanood sa isang episode ng TV series na Veep si Potter. - People.com