Nakopo ng Philippine Wado Ryu team ang bronze medal sa World Wado Karate Championship kamakailan sa Japan.
Pangatlo si Narayana Rsi Das Mesina sa 12 to 15 kumite event na nilahukan ng 63 karatekas mula sa 29 na bansa.
“Masaya kami na nageexcel ‘yung mga Pinoy natin sa ibang bansa sa ganitong klaseng event. Ngayon lang uli nagkaroon ng medal sa Wado Ryu which is significant dahil nag-iimprove ang grupo,” sambit ni Philippine Karatedo Federation secretary general Raymund Lee Reyes.
Nabigyan naman ng special award si Joco Vasquez matapos makapuwesto sa top eight ng naturang division.
Ang Wado Ryu ay isang istilo sa karate na prominanteng ginagamit sa buong mundo bukod sa shotokan, shorin ryu, shito ryu, goju ryu, at maybiba.