SA pelikulang Nanny McPhee and the Big Bang, kakailanganin ni Isabel Green (Maggie Gyllenhaal) ang tulong dahil hindi niya magawang pagsabayin ang gawaing bahay at ang trabaho niya sa siyudad. Nahihirapan siyang alagaan ang pilyong mga anak at pamangkin. Pero sa tulong ni Nanny McPhee (Emma Thompson), hindi lang pag-aalaga sa mga bata ang ang mangyayari. Babaguhin ni Nanny McPhee ang buhay nila sa Kapuso Movie Festival bago ang Sunday Pinasaya.

Samantala sa GMA Blockbusters, may giyera ang mga bampira at Lycans. Tatangkain ng death dealer na si Selene (Kate Beckinsale) na wakasan ito. Malalaman niyang may hinahanap na mortal ang mga Lycan at aalamin niya ang dahilan nito. Kapag nadiskubre niya ang sekreto sa pagpatay sa elders, ipaghihiganti niya ang kamatayan ng kanyang mga magulang. Sundan ang kanyang kuwento pagkatapos ng Dear Uge.

Mapapanood naman sa Sunday Night Box Office (SNBO) ang The Man with the Iron Fists. Sa 19th century China, isang dayo ang lilipat sa bagong bayan para maging pinakamagaling na panday. Maraming tribo ang kukuha sa kanya para gumawa ng pinakamalakas na sandata. Nang malaman niyang namumuo ang isang giyera, gagamitin niya ang kanyang abilidad para pigilan ito. Magtagumpay kaya siya? Huwag palampasin ang bawat eksena sa SNBO pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco