PAGMAMAHAL ang mamamayani sa pagtatapos ng Wansapantaym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo (Agosto 7) dahil halik ng tunay na pag-ibig ang huling sangkap na kukumpleto upang bumalik si Paulo (Jerome Ponce) sa kanyang dating anyo.

Nang hindi tumalab ang antidote na ginawa ni Candy (Loisa Andalio), isang albularyo ang lalapitan ni Paulo para tuluyan nang maalis ang sumpa sa kanya. Dito naman niya malalaman na ang nag-iisang sangkap na kailangan nilang mahanap ay ang halik ng tunay na pag-ibig na magmumula lamang sa iisang babae na totoong nagmamahal sa kanya -- si Candy.

Tuluyan na nga kayang bumalik sa dating anyo si Paulo? Ito na rin kaya ang umpisa ng pag-iibigan ng dalawa?

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable Channel 167).

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga