Agosto 5, 1962 nang natagpuan ang bangkay ng sikat na aktres na si Marilyn Monroe, 36, sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California, bago sumikat ang araw.

Napilitan ang dalawang doktor na sirain ang pintuan ng kuwarto nang hindi nila ito mabuksan. Sa kanyang kama, siya ay hubo’t hubad. At sa hindi kalayuan ay natagpuan naman ang sleeping pills.

Ayon sa deputy medical examiner na si Dr. Thomas Noguchi, acute barbiturate ang naging sanhi ng pagkamatay ni Monroe.

Isang grupo ng psychiatric ang nagsabing nagpakamatay si Monroe.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Si Monroe, na ang tunay na pangalan ay Norma Jeane Mortenson, ay ipinanganak noong Hunyo 1926. Namalagi siya sa bahay-ampunan noong bata pa siya sa dahilang may problema sa pag-iisip ang kanyang ina.

Nagkaroon si Monroe ng unang studio contract sa 20th Century Fox noong 1946. Napanood siya sa 30 pelikula simula noong 1947, at kinonsidera bilang sexy symbol.