BAGGAO, Cagayan - Isang 76-anyos na biyuda ang naospital makaraang halayin, saksakin at pagnakawan ng kanyang binatang kapitbahay sa Zone 7, Barangay San Francisco sa bayang ito.

Sa panayam ng Balita kahapon kay PO3 Desiree J. Pagutalan, sinabing dakong 12:00 ng hatinggabi nitong Miyerkules nang pinasok ni Daniel Supnet, 23, ang silid ng matanda.

Nagising ang biktima sa panghahalay ng binata at nagsisigaw ng paghingi ng saklolo kaya dalawang beses siya umanong sinaksak ni Supnet bago tumakas tangay ang ilang gamit ng matanda.

Agad na naaresto ang suspek. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog