Naging mabilis ang pag-unlad ng Bicol Region kumpara sa ibang rehiyon sa bansa noong 2015, makaraang makapagtala ng 8.4 na porsiyentong economic expansion at 4.1% acceleration growth, base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, siyam na taong nagsilbi bilang gobernador ng Albay at namuno sa Bicol Regional Development Council (RDC) at Luzon Area Development Committee (RDCOM), ang pagsulong ng rehiyon ay dulot ng malawakang infrastructure development dito.

Aniya, nakamit ang tagumpay sa mabisang pagpaplano at umabot sa P1.69 bilyon ang inilaan sa mga imprastruktura noong 2015.

Sa Kongreso, prioridad ni Salceda ang mabilisang paggawa ng mga proyekto, tulad ng Bicol International Airport, South Luzon Railways system, Almasor (Albay-Masbate-Sorsogon) Tourism Alliance road network, at iba pa. (Helen Wong)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito