LAHAT ng tao ay nagkakamali, kaya wala talagang perpektong singer, dahil kahit pinakamagaling o pinakamahusay ay nawawala rin sa tono.
Tulad ng female singer na may pangalan na rin at sikat na rin ang mga kanta at nakakuha na rin ng awards, sa maniwala kayo’t sa hindi ay ilang beses na palang ginagamot sa recording ang boses niya.
“Wala siya sa tonong kumanta talaga,” kuwento sa amin ng taong nasa rehearsal at recording, “tinuturuan siya ni _____ (mahusay at premyadong singer). Alam ni _____ (sintunadong singer) ‘yan kaya tumigil nga ‘yung kampo niya na magaling at perpekto siya kumanta.”
Teka, bakit may hugot yata ang nagkukuwento sa amin tungkol sa female singer?
“Wala naman, naikuwento ko lang kasi ‘yung mga taong nakapaligid sa kanya, feeling nila ang galing-galing ng alaga nila, eh, alam naman nilang sintunado, ‘no! Mabait naman si _____ (sintunadong singer), pero ang pinag-uusapan naman dito ang galing at hindi ugali ng tao, di ba?” katwiran sa amin.
Hindi pa kasi namin nakakausap nang matagalan o nakikilala nang personal ang sintunadong female singer, pero base sa aura ng mukha niya ay mukha ngang mabait. Katunayan, wala pa naman kaming nabalitaang nagmaldita siya sa mga show niya, mas may attitude pa nga raw ang mga chuwari-wariwap na nakapaligid sa kanya.
Anyway, magpasalamat na lang ang female singer at ang kampo niya na hindi madaldal ang mahusay at premyadong singer na nagtuturo sa kanya. ‘Yun nga lang, may ilang taong nakakakita sa mga nangyayari at sa maangas na mga nakapaligid sa kanya, kaya lumabas tuloy ang kuwentong ito.
Pero sa totoo lang, maganda ang boses ng sintunadang female singer, easy listening, ‘yun lang, medyo may pagkaalamat ang tunog ng pangalan. (Reggee Bonoan)