Mga laro ngayon

(Smart –Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- NLEX vs TNT

7 n.g. -- Alaska vs Mahindra

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kapwa itataya ng magkasosyong lider na Talk ‘N Text at Mahindra ang malinis na karta sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na laro sa pagbabalik ng aksiyon ngayon sa OPPO- PBA Governors Cup, sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ang parehong 3-0 karta, target ng Katropa at Enforcers na mahila ang winning streak at patatagin ang katayuan sa import-laden tournament.

Haharapin ng Katropa ang NLEX Road Warriors sa ganap na 4:15 ng hapon.

Mapapalaban naman ang Enforcers sa Alaska Aces sa tampok na laban sa 7:00 ng gabi.

Galing ang Aces sa 118-120 kabiguan sa kamay ng Katropa at hangad nilang makabawi laban sa sopresang koponan sa kasalukuyan.

“Basta we play with this kind of attitude, mataas ang kumpiyansa, we have a bigger chance,” pahayag ni TNT coach Jong Uichico.

Magkukumahog namang makabawi ang Road Warriors mula sa 74-83 kabiguan sa kamay ng Barangay Ginebra.

Sa pagkakataong ito, sisikapin ng Alaska na maibalik ang dating ipinagmamalaking bansag na “defensive squad” para makaaagapay sa karibal.

“Offensively nag-compete kami pero it’s about making stops and obviously hindi naming ito nagawa,” pahayag ni Aces veteran shooter Dondon Hontiveros. (Marivic Awitan)