KALIBO, Aklan - Suportado ng grupong Global Catholic on Climate Movement-Philippines ang hindi pagsang-ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Paris climate change agreement.
Ayon kay Fr. Dexter Toledo, isa sa mga convenor ng nasabing movement, tama ang Pangulo sa sinabi nitong dapat na ang mauunlad na bansa ang manguna sa pagpapababa ng carbon emissions.
Isang Franciscan, nasa Kalibo si Toledo para ituro sa mga deboto ang encyclical letter ni Pope Francis na Laudato Si.
Nakapaloob dito kung paano mapangangalagaan ang kalikasan sa harap ng banta ng climate change. (Jun N. Aguirre)