SA unang SONA (State of the Nation Address) ng kauna-unahang pangulo ng bansa na nagmula sa Mindanao, maliwanag na pinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa pagbaba niya sa puwesto matapos ang anim na taon, ang iiwan niyang pamana sa mga Pilipino ay isang “malinis na pamahalaan”.

Sa harap ng mga mambabatas, military at police officials, diplomataic corps, sinabi ni Mano Digong na hindi siya maninisi (fingerpointing) sa nakaraang administrasyon. Ito ay wala raw sa kanyang “sistema”. Aniya, walang mangyayari sa ‘Pinas “If we allow the past to pull us back.” Dagdag pa: “Fingerpointing is not the way, that is why I will not waste precious time dwelling on the sins of the past.” Bulong ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko: “Sipa ‘yun ni Digong kay PNoy na laging naninisi.” Kaya ang bansag sa kanya ay “Boy Sisi.”

Nagbabala rin siya na kapag nakarinig siya ng kahit bulong tungkol sa kurapsiyon sa gobyerno, hiwa-hiwalay na sila ng kanyang mga cabinet secretary. Sa kanyang SONA, nais ni Pangulong Duterte na tagpasin ang bureaucratic red tape sa gobyerno, isagawa ang maikling panahon ng pagpoproseso ng mga papeles at dapat ay walang mahabang pila at tapusin agad ang transaksiyon sa loob ng isa o tatlong araw.

Gusto rin umano niyang gawing 10 taon ang validity ng passport; limang taon ang bisa ng driver’s license; at libreng wifi na ilalagay sa mga piling lugar sa para sa publiko.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May bago nang liderato ang Kongreso ngayon. Sa Senado, ang pangulo ay si Sen. Koko Pimentel. Sa Kamara ay si Davao City Rep. Pantaleon Alvarez. Samakatuwid, ang matataas na lider ng bansa ngayon ay mula sa Mindanao. Matupad na kaya ang mga katagang “Mindanao is the Land of Promise?”

Sa kabilang dako, nagdaos noong nakaraang Linggo ang Archdiocese of Manila ng “Huwag Kang Papatay (Thou Shall not Kill) campaign sa gitna ng nakababahalang pagdami ng napapatay bunsod ng anti-drug drive ng Duterte administration.

Mahigit na yata sa 700 ang napatay ng mga pulis at vigilante.

Sa Maynila, nag-isyu ng pahayag ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) na sumusuporta sa kampanya ng Simbahan laban sa mga pagpatay ng PNP kaugnay ng paglipol sa mga drug dealer.

Na nabahala ang AMRSP sa walang habas na pagpatay sa drug pushers at users na umano’y kagagawan ng mga pulis o ng vigilantes sa ngalan ng drug war ng gobyerno ni President Rody.

Pahayag ng AMRSP: “The execution of suspects, without due process of law, is a violation fo their right to life, the most basic of all human rights.” Gayunman, suportado nila ang Duterte administration sa inilulunsad na “peace initiatives” at sa mga programa na protektahan at mapanatili ang pambansang soberanya at patrimony, tulad ng isyu sa West Philippine Sea.

Sabi nga ni Mano Digong sa kanyang SONA: “Peace is my goal, it is my dream.” Dagdag pa: “ Pagsikapan natin na magkaroon hindi ng peace of dead, kundi peace of the living.” (Bert de Guzman)