Gabbi at Ruru copy

MARAMI ang kinilig nang mapanood ang eksena nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa Encantadia lalo na ang eksenang naliligo sila sa batis.

‘Katuwang basahin ang comment ng isang netizen na kahit sa ilog na hindi gaanong malinaw, lumulutang pa rin ang chemistry ng dalawa.

Marami ang kinilig at nagwi-wish na magkaroon ng relasyon sa totoong buhay sina Ruru at Gabbi na sa tingin ng press, ‘sila’ naman na talaga. Pero parang hindi pa panahon para aminin nina Ruru at Gabbi ang kanilang relasyon dahil “we’re just close friends” ang pareho nilang sagot kapag tinatanong tungkol sa relasyon nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, nagpasalamat si Ruru sa mga pumansin sa laki ng iginanda ng kanyang katawan at talagang napansin ang biceps niya.

“Salamat po sa inyong lahat. Di po ako makapaniwala na ang dami pong bumilib sa akin ngayon. Sa kabila po ng maraming bash ang binigay sa akin nung sabihin na ako gaganap na Ybarro never po ako sumuko noon.

Honestly nasaktan po ako nung una, pero na-realize ko na mali yun, na dapat wag ako magpaapekto kaya mas lalo po ako nagpursigi sa gym, sa training, kahit walang tulog pinipilit ko para patunayan ko sa lahat ng doubters na mali sila na kaya ko to na deserve ko tong role na ito...

Kaya sa mga di naniwala sa akin nung una salamat sa inyo dahil kayo ang nag-push sa akin na mas pagbutihan ko pa and syempre sa mga walang sawang sumuporta sa akin simula una pa lang maraming maraming salamat sa inyo kayo lagi ang nagpapalakas sa akin kayo ang nagsisilbing inspirasyon ko Maraming Salamat sa inyo Mahal Ko kayo Lahat!:).”

Sa mga susunod na episode ng Encantadia, ipapakita na ang pag-iibigan ng dalawa at ang magiging conflict sa kanilang pagmamahalan. (Nitz Miralles)