Pinataob ng De La Salle University sa loob ng apat ng set ang College of St. Benilde, 25-20, 22-25, 25-23, 25-21 kahapon sa pagbubukas ng Spiker’s Turf Collegiate Conference, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umiskor ng 24 na puntos ang beteranong hitter ng Green Archers na si Raymark Woo, 22 na ay galing sa hit upang pamunuan ang unang panalo ng koponan sa ilalim ng bagong coach na si Nestor Pamilar.

Nag-ambag naman ng 16 na puntos ang baguhang si Mike Frey at 13 puntos naman si Arjay Onia sa nasabing panalo.

Sa kabilang dako, tumapos namang topscorer si Johnvic de Guzman sa natipang game high 27 puntos at 11 puntos naman mula sa guest player na si Philip Bagalay.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Tanging sa service at reception lamang nakaungos ang Blazers na nagposte ng anim na ace at 43 successful receptions kumpara sa apat at 35 ng Green Archers. (Marivic Awitan)