Iginiit kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr. na hindi humina ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea (South China Sea) ukol sa hindi pagkakabanggit sa award ng International Arbitration Tribunal sa inilabas na joint communiqué ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa idinaos na pulong sa Laos kamakailan.

Ito ang tugon ni Yasay isang araw matapos siyang batikusin nina outgoing Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia Jr. at dating DFA Secretary Albert del Rosario.

Sinabi ng mga ito na dapat ay ipinilit ni Yasay na mapabilang ang arbitral award sa kalatas ng ASEAN.

“It seems our interest is not really being very strongly protected,” sabi ni Cuisia.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

“[Yasay] should have stood strongly,” punto naman ni Del Rosario.

Hindi tinanggap ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang excessive claim ng China sa South China Sea, na suportado ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagbigay sa Pilipinas ng karapatan sa mga erya na loob ng 200 nautical miles ng karagatan nito.

“The statement of the ASEAN “did not in any way weaken the legal foundations of our claim and the award given to us by the arbitral tribunal,” pahayag ni Yasay.

Tiwala ang kalihim na ang communiqué ay nananatiling isang tagumpay sa pakikiiisa ng mga kapanalig ng Manila at international community sa pag-apela sa China, na sundin ang international law at irespeto ang mga proseso at mekanismo sa ilalim ng UNCLOS sa pagresolba sa gusot sa West Philippine Sea, na nais na ipanawagan para sa paggalang at pagkilala sa ruling ng arbitral tribunal.

Unang sinabi ni Yasay na nagsumikap siyang isulong na maisama ang arbitral award sa kalatas ng Asean subalit batid niyang may “middle ground.” (Bella Gamotea)