Kapag hindi lubusang nakontrol sa loob ng isang taon ang New Bilibid Prisons (NBP), maituturing itong kabiguan para sa pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kung saan umaasa ang kalihim na sa isang taon lamang ay hindi na makakaporma ang drug lords sa nasabing piitan.

“Palagay ko kapag hindi namin na-solve ng one year, we are a failure,” ani Aguirre, kung saan idinagdag pa nito na “our jails are not havens or sanctuaries for drug lords.”

Ang nasabing piitan ay napapalusutan pa rin ng kung anu-anong kontrabando, kung saan kamakailan lamang ay nakakumpiska na naman ang mga awtoridad ng mga ipinagbabawal na gamit sa nasabing lugar.

Tsika at Intriga

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo

Kabilang dito ang P1.6 milyong halaga ng cash, 80 bladed weapons, 12 ice picks, .38 caliber pistol, 6 improvised shotguns, 152 mobile phones, 6 sachets ng shabu, plastic ng marijuana, at 48 television sets. (Jeff Damicog)