SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Hinihinalang biktima ng summary execution ang bangkay ng isang babae na natagpuang nakahandusay sa bukid sa Barangay Catalancan sa lungsod, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Science City of Muñoz Police ang biktimang si Michelle Agustin, nasa hustong edad, ng Bgy. Bacal 3, Talavera, Nueva Ecija.

Base sa record ng San Jose City Police, ang biktima ay nasa drug watchlist at sumuko pa umano sa awtoridad nitong Hulyo 1. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog