AICELLE AT MARK copy

MASAYA at kinilig kami habang pinapanood ang Traffic Diva ng Eat Bulaga na si Aicelle Santos at ang boyfriend niyang si Mark Zambrano, news reporter ng GMA News & Public Affairs, na ini-interview ni Regine Velasquez-Alcasid sa morning cooking show nitong Sarap Diva.

No wonder na madaling nagkainlaban ang dalawa dahil maganda rin pala ang boses ni Mark.

Hindi inilihim nina Aicelle at Mark ang pagkakaroon nila ng relasyon simula nitong nakaraang April. Dahil sa kanilang sweetness, tinagurian na rin sila ng fans na AlDub 2. Kaya nang mag-guest si Aicelle sa concert ni Alden Richards sa Singapore last weekend, na kasama niya si Mark, nagkalaglagan pa ang dalawang EB talents. Tinanong kasi ni Alden si Aicelle ng, “In a scale of 10, gaano ka ka-in love?” Sagot ni Aicelle “Ten, ikaw?” “Ten din,” sagot din ni Alden.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa Sarap Diva show, kinulit ni Regine si Mark kung paano niya niligawan si Aicelle.

“Noon pa, nakikita ko na siya, dahil pareho kaming Kapuso, kaya lang wala akong way para siya makilala personally dahil pareho kaming busy,” sagot ni Mark. “Matagal na ‘yon, ‘tapos nang muli ko siyang makita sa Instagram account niya, sabi ko, lalo siyang gumaganda. Iyon, doon ako nakaisip na mag-comment sa kanyang IG.”

“Hindi ko rin naman masyadong kilala si Mark,” kuwento naman ni Aicelle, “kaya noong mag-post siya sa IG ko, na ‘I’m one of your fans,’ sinilip ko iyong picture niya dahil familiar sa akin ang name niya. Kapuso rin pala siya. Pero hindi pa rin ako makapaniwala dahil alam naman nating maraming poser sa social media.”

“Kaya sabi ko kay Aicelle, magpadala siya ng isang drawing at gagayahin ko iyon para malaman niya na ako talaga ang nagpadala sa IG niya. Nagawa ko naman at naniwala na siya sa akin.”

Sa kanilang first date, inabot ng limang oras ang kuwentuhan nila. Napag-usapan na nila ang lahat, ang family nila, ang work nila, at ang assurance niya na totoo sa kanya si Mark. Hindi naman ni ipinagkaila ni Aicelle na nagkaroon na siya ng unang boyfriend.

Ini-enjoy nila na nagkakasama sila araw-araw, kapag pareho silang walang trabaho.

May daily work as a news reporter si Mark at si Aicelle naman ay napapanood ngayon sa musical play na Rak of Aegis sa PETA Theatre. Tuwang-tuwa si Regine sa dalawa, lalo pa at mahal naman niya talaga si Aicelle na matagal din niyang nakasama sa musical shows ng GMA.

Nagkatawanan nang tawagin si Regine na “ninang” ni Mark. 

So, mukhang hindi na magtatagal, may wedding bells uli tayong maririnig. 

Congratulations and best wishes, Aicelle and Mark. (NORA CALDERON)