ISA sa mga masasabing mahalagang nabanggit sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Digong Duterte ay ang unilateral ceasefire o tigil-putukan sa kampanya ng pamahalan laban sa Communist Party of the Philippines, National Democratic Front, New People’s Army (CPP/NDF/NPA). Ang kampanya ng ating pamahalaan laban sa nabanggit na samahan ay halos may apat na dekada nang problema na sa bawat araw ay nagiging madugo. Nakalulungkot sapagkat ang naglalaban ay Pilipino sa kapwa Pilipino. Kapag may mga nasawi sa panig ng gobyerno at ng mga rebelde, kapwa naghahatid ng dalamhati sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi sa bakbakang matindi at madugo.

Sa SONA ng ating bagong Pangulo na umabot ng isang oras at kalahati, binanggit din niya ang puspusang kampanya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kriminal na Abu Sayyaf. Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan na ang Abu Sayyaf Group (ASG) ay nangdudukot ng mga dayuhang turista, mga religious missionary at maging ng ating mga kababayan. Matapos dukutin ay hihingi ng ransom money o salaping pantubos na milyun-milyong piso. Kapag hindi naibigay ang hinihinging ransom money, ang mga kaawa-awang biktima ng kidnapping ay walang-awang pupugutan. Matinding dalamhati ang dulot sa mga kamag-anak ng mga pinugutan. Minumura sa dasal ang mga asal hayop at halimaw na mga ASG.

Nagdudulot din ng paghina ng industriya ng turismo sa bansa. Takot nang magtungo sa iniibig nating Pilipinas ang mga dayuhang turista.

Ayon sa Pangulo, nais ng lahat ang kapayapaan, hindi kapayapaan ng mga napatay kundi kapayapaan ng mga buhay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kailangang itigil na agad ang karahasan. Ibalik ang kapayapaan sa mga komunidad at ihanda ang kapaligiran sa marapat na pagpapatuloy ng mga negosayon sa kapayapaan. Inaasahan din ng Pangulong Digong Duterte na ang NDF at ang mga puwersa nito ay tutugon nang maayos at wawakasan ang salungatan bago matapos ang anim na taon niyang panunungkulan.

May iba’t ibang reaksiyon naman sa pahayag na unilateral ceasefire o tigil-putukan ng Pangulong Digong Duterte. Isa na si Jose Maria Sison, tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ngayon ay nasa The Netherlands.

Sinabi ni Joma Sison na mag-iisyu ng positibong tugon ang kanyang organisasyon. Nakikiisa sila kay Pangulong Duterte sa determinasyon nito na ibalik ang mga pormal na pag-usap para sa makatuwiran at walang katapusang kapayapaan.

Sa panig naman ng AFP, susundin nila ang atas ng kanilang Commander in Chief ngunit mananatili silang alerto at habulin ang mga sasalakay at kapag susugurin ng mga armadong tauhan ng NPA. Ang Philippine National Police naman ay sinuspinde na ang kanilang mga offensive operation laban sa Communist Party of the Philippines at sa mga tauahan nito na New People’s Army.

Sa idineklarang unilateral ceasefire ni Pangulong Duterte, marami ang nagdarasal at naghahangad na mga Pilipino na sana’y maging tunay na landas na ito ng minimithi nating kapayapaan sa bansa na ang magandang bunga ay pagkakaisa at kaunlaran. Ngunit natupad ang pangamba ng marami na bawiin ni Pangulong Duterte ang unilateral ceasefire sapagkat nang-ambush ang mga NPA ng mga tauhan ng CAFGU sa Davao del Norte. Isa ang napatay at apat ang sugatan. Hinihingan ng Pangulo ng paliwanag ang Communist Party of the Philippines. Kung walang paliwanag, sabi ng Pangulo, “balik tayo sa away. ‘Yun ang gusto ninyo”. (Clemen Bautista)