UMUUSOK ang social media sa viral video ni Jessy Mendiola na kuha nang tanggapin niya ang trophy bilang crowned No. 1 sa listahan ng FHM 100 Sexiest Woman in the Philippines na may statement siyang tinalo pa niya si 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Napakaraming nagsi-share at nagkokomento sa video, nang sagutin ni Jess yang tanong ng host kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang panalo. Pati fan pages ng ibang mga artista, tulad nina Liza Soberano at Maja Salvador bagamat common knowledge na hindi naman sila ang mismong administrator, nagsi-share rin ng naturang video.

“Thank you so much to everyone who voted for me, at least now we have proof that everyone can be sexy,” sabi ni Jessy. “I think this is a really good venue to send a message that everyone can be sexy, all types of sexy. You are sexy! I am sexy! Everyone is sexy tonight!”

Ang sumunod na bahagi ng mga sinabi niya ang gumatong sa lalo pang pagdami ng kanyang haters.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Talo ko pa si Pia Wurtzbach, di ba? Nakakaloka! Sobrang overwhelming! Kung siya confidently beautiful with a heart, tayo sexy, so confidently sexy with a heart! I’m just really happy na nandito ako ngayon, it feels so nice to be called the sexiest woman in the Philippines.”

May ilan namang nagtatanggol kay Jessy pero karamihan ay bina-bash siya.

Kung sabagay, hindi na bago ito. Taun-taon, tuwing may idinideklarang sexiest ang FHM ay marami ang natutuwang fans at marami ring haters na nang-ookray. (DINDO M. BALARES)