Tinapos ng 14-player Philippine team ang kampanya sa iniuwi pang tatlong gintong medalya sa standard event sa pagtiklop ng 12th Asian Schools Chess Championships 2016 sa Iran Chess Federation playing hall sa Tehran, Iran.

Nagpahabol pa ng tagumpay sina sixth seed Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy sa 19-entry Girls Under-17 category sa pagposte nang tatlong upset win; at 14th seed Stephen Rome Pangilinan sa Boys U15 na sumabak laban sa 42 karibal.

May dagdag pang silver si fifth seed Mecel Angela Gadut sa nilahukan ng 27 na G U9 sa 12-category .

Ang nagawa ng apat ang nagpwesto sa bansa sa second spot sa standard medal standings sa 3-1-0 karta sa likod ng host Iran na may 6-5-8 para sa overall tally na third place sa 6-3-1. Pumang-apat ang ‘Pinas sa rapid sa 1-1-1 at tersera rin sa blitz sa 2-1-0. (Angie Oredo)

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!