ISANG araw may isang lulong sa sugal na nagsabing: “Gagawin ko ang lahat makita lamang agad ang mga lalabas na numero sa lotto bago pa man ang draw. Gusto kong makilala bilang pinakamayamang tao sa buong mundo.”
At natupad ang kanyang hiling.
May isang kartero na kumatok sa kanyang pintuan at ibinigay sa kanya ang dyaryo na isang linggong advance ang petsa.
Sa kasabikan, agad binuklat ng lalaki sa pahina kung saan makikita ang mga lalabas na numero sa lotto.
Hindi na siya makapaghintay na manalo. Ngunit habang inililipat niya ang pahina, biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang pangalan niya sa obituary! Sa araw ng kanyang pagkapanalo, mamamatay siya.
Ang kuwentong ito ay maiuugnay sa parabula ni Kristo sa gospel ngayong Linggo (Lk 12, 13-21). “You fool, this night your life will be demanded of you,” pahayag ni Hesus. “And for all the things you have stored, to whom will they belong?”
Naiintidihan ng Panginoon ang paghahangad natin sa seguridad, ngunit hindi dapat natin kalimutan ang seguridad sa ikalawang buhay.
Ang mayamang magsasaka sa parabola ay ang may-ari ng palayan sa Nueva Ecija o maisan sa Cebu o durian sa Davao.
Sa pagiging masagana ng kanyang taniman, mismong siya ang bumati sa kanyang sarili para sa isang job well done. Pero tinatawag pa rin siyang mangmang ng Panginoon! Bakit?
Walang kahit anong indikasyon na siya ay nanloko at nandaya kanino man. Anong mali sa kanya?
Ang sagot ay: masyado siyang naging gahaman. Idineklara ni Jesus na, “Avoid greed in all its forms. A man may be wealthy, but his possessions do not guarantee him life.”
Gustong makasiguro ng magsasaka sa kanyang future, ngunit hindi ganoon kalayo ang kanyang pagtingin sa hinaharap hanggang sa kamatayan na ang Panginoon lamang ang nakaaalam.
May kuwento tungkol sa isang mayamang matron na namatay at nagtungo sa langit. Inalalayan siya ni St. Peter patungo sa isang magnificent boulevard kung saan sunud-sunod na nakatirik ang mga mansion. Natuwa ang mayamang babae sa isang kakaibang bahay doon at sinabing nais niyang doon manirahan.
“Masosorpresa ka,” pahayag ni St. Peter. “Ito ang tahanan ng iyong katulong.” “Well,” napangiting sabi ng babae, “kung ganyan ang tirahan ng aking katulong, siguro’t isang grand mansion ang sa akin.”
At nakarating sila sa isang madilim na lugar kung saan tagpi-tagpi ang bahay. Huminto si St. Peter at sinabing, “Lady, you will live in that hut.”
“Ako, titira d’yan? Isa yang napakalaking insult! Sa Earth napakayaman ko at sikat!”
TANUNGIN MO ANG IYONG SARILI:
Nagtatrabaho ba ako para yumaman, na isang araw ay kukunin na uli ako ng Panginoon, at magsisisi ako na wala akong nagawa para sa aking seguridad sa kabilang buhay? (Fr. Bel San Luis, SVD)