CILACAP, (AFP/Reuters) – Itinuloy ng Indonesia kahapon ang pagbitay sa apat na drug convict, tatlo ay mga banyaga, sa pamamagitan ng firing squad, sinabi ng isang opisyal.
“We considered several factors and decided that for now four death row inmates would be executed,” sabi ni Noor Rachmad, opisyal sa attorney general’s office, sa mamamahayag matapos ang mga pagbitay nitong Biyernes.
Sampung iba pa na nahaharap sa firing squad, kabilang ang mga mamamayan mula Pakistan, India at Zimbabwe gayundin ang mga Indonesian, ang hindi isinalang sa kamatayan ngunit ayon sa mga opisyal ay susunod nang bibitayin ang mga ito.
Kaagad namang kinondena ng mundo ang pagsusulong ng Jakarta sa kampanya nito ng kamatayan bilang capital punishment.
Nanawagan ang United Nations at European Union na itigil ang mga pagbitay.
“Such death sentences are unlawful and tantamount to an arbitrary execution as they are undertaken in contravention of Indonesia’s international human rights obligations,” saad sa pahayag ng U.N.
Tinatayang 152 katao pa ang nananatili sa death row sa Indonesia, kabilang ang mga hinatulang drug trafficker mula sa Pilipinas, France, at Britain. Sinabi ng mga awtoridad na binabalak nilang magbitay ng 16 na preso ngayong taon at dodoblehin ito sa 2017.