Sa pagpapatuloy ng mahigpit na kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa paglipol sa mga sindikato ng ilegal na droga, nadagdagan na naman ito ng 16 na suspek sa loob lamang ng 24 oras sa iba’t ibang parte ng Maynila, iniulat kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Napag–alaman kay NCRPO Police Director Oscar David Albalayde, 12 sa mga napatay ay naganap sa Metro Manila.

Habang dalawa ang napatay ng mga awtoridad sa isinagawang Oplan Tokhang sa hideout at ito ay sina Gabriel Garcia Jr. at Tonton Balasia at arestado naman si Gerald Garcia sa Tondo, Maynila.

Napatay naman ang hinihilanang sangkot sa ilegal na droga ang magkasintahang Fernando Lorenzo at Ronalyn Sabala ng Tondo, Manila

Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso

Kasunod nito, tinambangan din ng grupo ng vigilante ang apat na lalaki sa Pasay, Sta. Cruz at Caloocan City.

Napag–alaman na nakatambay umano sa Bgy. 362 sa Sta. Cruz, Maynila ang biktimang sina Oscar Abella at Aldrich Africa nang barilin sila ng mga suspek at tinapunan pa ng papel na may nakasulat na “Tulak Ng Droga, Huwag Tularan”.

Lumitaw naman sa imbestigasyon na kagagaling lang sa bahay ng isang kaibigan sa Caloocan City si Erwin Cabubod nang barilin ng lone gunman kung saan napag–alaman na pumalag at ayaw sumuko sa isinagawang Oplan Tokhang ng PNP.

Ganito rin ang sinapit ni Genaro Tison ng Pasay City, at nina Robert Sapalo at “Tangkad”.

Habang isa pang biktima na nakasilid sa garbage bag ang natagpuan sa West Rembo, Makati na sangkot din umano sa ilegal na droga.

Tatlo naman ang napatay na iniuugnay din sa ilegal na droga sa buong magdamag sa Masbate, Misamis, at Baguio City, habang isa pang lalaki ang nasawi kamakalawa ng gabi sa La Union nang tambangan ng riding-in-tandem. (Jun Fabon)