NEW YORK (AP) – Napagkaisahan ng mga kinatawang manlalaro ng National Basketball Players Associations na pondohan ang health insurance sa lahat ng mga retiradong NBA players na may tatlong taon sa serbisyo.

‘’The game has never before been more popular, and all the players in our league today recognize that we’re only in this position because of the hard work and dedication of the men who came before us,’’ pahayag ni Los Angeles Clippers star Chris Paul, pangulo ng union nitong Miyerkules.

“I’m proud of my fellow players for taking this unprecedented step to ensure the health and well-being of our predecessors,’’ dagdag pa ni Paul, naniniwalang mahalagang pangalagaan ang malaking pamilya ng mga NBA player

Binuo ang health insurance program sa pamamagitan ng United HealthCare nang pagbotohan ito noong Hunyo 26 sa New York.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon sa kasalukuyang mungkahi, ang mga manlalarong nasa tatlo hanggang anim na taon sa NBA na hindi pasok sa Medicare, ay pagkakalooban medical, hospital, at free medication.

‘’I couldn’t be more proud of Chris, our executive committee and our entire membership,’’ sambit ni union executive director na si Michele Roberts. ‘’Providing health care security for players who came before them has been on the players’ minds for the past year and they worked closely with us to make it happen.’’

(Isinalin Ni Lorenzo Jose Nicolas)