PARIS (AP) – Nangako ang French media noong Miyerkules na ititigil na ang paglalathala sa mga pangalan at litrato ng mga attacker na may kaugnayan sa grupong Islamic State upang mapigilan ang hindi sinasadyang pagpuri sa mga indibiduwal na ito, kasunod ng serye ng mga pag-atake sa France sa nakalipas na 18 buwan.
Inilabas ang desisyon, bahagi ng mas malawak na debate sa France sa kung paano posibleng nakatutulong ang media sa banta ng mga terorista, habang tinatalakay ng French parliament kung dapat bang magpasa ng batas na nagbabawal sa paraan ng pag-cover ng news media sa terrorist acts.
Sinabi ng Radio Europe-1 na hindi na nito babasahin ang pangalan ng mga terorista “to stop them being turned into heroes.”