CAMP DANGWA, Benguet – Kapwa nasawi ang dalawang magsasaka na tinamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insidente sa Abra at Benguet, ayon sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera.

Nabatid kay Supt. Cherrie Fajardo, regional information officer, dakong 5:45 ng hapon nitong Miyerkules at naglalakad sa palayan si Nonilon Nakar Tabangcure, 40, tubong Isabela, sa Barangay Pagala, Bucay, Abra, nang biglang kumidlat at tinamaan siya sa mukha.

Sa Benguet, nagtatanim ng gulay si Edmund Balistian Ibañez, 24, tubong Ifugao, at residente ng Buguias, Benguet, nang masapol ng kidlat. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog