JAKARTA (AFP) – Isang kontrobersyal na dating military chief na inakusahan ng kalupitan sa brutal na pananakop ng Indonesia sa East Timor ang itinalagang top security minister noong Miyerkules, kasabay ng protesta ng mga aktibista.

Si Wiranto, itinalaga sa makapangyarihang cabinet reshuffle, ay kabilang sa mga senior officer na kinasuhan ng United Nations prosecutors kaugnay sa talamak na pang-aabuso sa human rights sa panahon ng 24-taong pag-okupa sa maliit na East Timor.

Tinatayang 100,000 katao ang pinaslang, karamihan ng Indonesian forces at kanilang mga kasabwat, o namatay sa paggutom o sakit sa panahon ng pananakop sa ilalim ng tatlong dekadang pamumuno ng diktador na si Suharto.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina