ALIAGA, Nueva Ecija - Nasawi ang isang pinaghahanap ng batas makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad na naghain ng search warrant sa kanyang bahay sa Barangay San Juan sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Aliaga Police ang nasawi na si Rosendo Sagun y Bernardo, nasa hustong edad, na agad na nasawi dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan. Patung-patong ang kasong kinahaharap ni Sagun sa korte.

Sa imbestigasyon ni PO3 Philip Cajucom, dakong 5:00 ng umaga nang isinilbi ng mga pulis ang search warrant kay Sagun, pero bigla umano itong kumuha ng baril sa kuwarto at pinaputukan ang mga awtoridad, na gumanti sa kanya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog