Personal na binati kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang 1,740 pulis na itinaas ang ranggo sa Camp Crame, Quezon City.

“Malugod kong binabati ang lahat ng na-promote na Police Commission Officer (PCO) at Police Non-Commission Officer (PNCO) mula sa ranggo na Police Officer 2 hanggang Police Superintendent,” bungad na pagbati ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na umaabot na sa 2,726 PCO at 28,167 PNCO ang itinaas ang ranggo sa buong bansa.

“Ito ang kapalit ng inyong mahusay, masigasig at magiting na paglilingkod sa ating bayan,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

(Fer Taboy)