SA WAKAS! Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ng gabi sa Davao City, ang Executive Order na magpapatupad sa ilang beses nang nabalam na Freedom of Information (FOI) Bill, na sinaksihan nina Presidential Spokesperon Ernesto Abella (kaliwa) at Presidential Communication Secretary Martin Andanar. (KARL ALONZO/PPD)
SA WAKAS! Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ng gabi sa Davao City, ang Executive Order na magpapatupad sa ilang beses nang nabalam na Freedom of Information (FOI) Bill, na sinaksihan nina Presidential Spokesperon Ernesto Abella (kaliwa) at Presidential Communication Secretary Martin Andanar. (KARL ALONZO/PPD)

Mabubusisi na ngayon ng publiko ang official information at dokumento sa gobyerno matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang kautusan sa freedom of information (FOI).

Sakop ng nilagdaang executive order (EO) ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa executive branch, kung saan layunin nito na manaig ang transparency at accountability sa lahat ng gawain ng mga opisyal ng gobyerno, ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar.

“Every Filipino shall have access to information, official records, public records and to documents and papers pertaining to official acts, transactions or decisions as well as to government research data used as basis for public-development,” ayon sa kautusan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nilagdaan Ito ng Pangulo sa Davao City noong Sabado ng gabi ang nasabing kautusan, kung saan inaasahang ipapalabas ito ngayong Lunes.

Kabilang sa mga pwedeng buksan ng publiko ay ang mga record, dokumento, papeles, letters, contracts, minutes at transcript ng official meetings at maraming iba pa.

“Failure to comply with the provisions of this Order may be a good ground for administrative and disciplinary sanctions against any erring public officer or employee as provided under existing laws or regulations,” ayon pa sa kautusan.

Ipinagbunyi naman ito ng Obispo ng simbahang Katoliko at sinabing, “kapag merong FOI, big plus factor ‘yan for our quest against corruption. It will force the government to be transparent,” ani Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo.

Sa Senado, tuloy pa rin ang pagbalangkas sa FOI upang maging ganap na batas, ayon kay incoming Senate President Aquilino Pimentel III, kung saan mas malawak umano ang magiging saklaw nito.

Nagpasalamat naman si Senator Grace Poe dahil malaking hakbang na daw ito at nakikita niya na magiging ganap na itong batas.

Ang FOI na ikinasa ni Poe ay pumasa sa Senado noong 16th Congress pero hindi naman ito pinalad sa Mababang Kapulungan. - Genalyn Kabiling, Beth Camia, Mary Ann Santiago at Leonel Abasola