MAY isang pari na ilegal na nag-park ng kanyang sasakyan. Nag-iwan siya ng note sa kanyang windshield, at sinabing:

“Pari ako. Wala akong mahanap na sapat na espasyo. ‘Wag n’yo akong tiketan, please.”

Pagbalik niya, nakita niya ang ticket sa windshield na may note na: “Pulis ako. Kapag hindi kita binigyan ng ticket, magkakasala ako. ‘Ilayo mo ako sa tukso.’”

Dagdag niya: “Pero kung lalagyan mo ng pera ang iyong lisensya, ok lang. ‘Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw.’”

Eto ang kakaibang bersyon ng panalangin na tampok ngayong ika-17 Linggo.

“Lord, turuan mo kaming manalangin,” sabi ng isa sa mga disipulo. Sumagot si Jesus ng, “When you pray, say: Father, holy be your name…” (Lk 11,2).

Sa pagdadasal, mayroong apat na klase ng panalangin na napagsama-sama sa acronym na ACTS—A, adoration; C, contrition; T, thanksgiving; at S, supplication.

Sa panalangin, sinasabi natin na, “Our Father, who art in heaven, hallowed be they name.” Kinikilala natin ang Diyos bilang Supreme Being.

Sa tuwing tayo ay nagkakasala, sinasabi naman natin, “Forgive us our sins as we forgive those who sin against us.”

At kung tayo’y magpapasalamat? Hindi natin ito ipinagdarasal.

Gayunman, ginagalang natin ang Diyos, ipinagpapasalamat natin ang mga biyayang ipinagkakaloob niya sa atin.

Ipinagpapasalamat natin sa Panginoon ang libreng hangin na ating nilalanghap, ang tubig at halaman, sa mga material na bagay na ating natatanggap, at marami pang iba.

At higit sa lahat, kapag tayo’y may kahilingan sa Panginoon, sinasabi natin na, “Give us this day our daily bread.”

OTHER SIDE OF PRAYER.

Ang ibang tao ay nagrereklamo na palagi nilang ipinagdarasal ang isang bagay ngunit hindi naman nila ito natatanggap.

Ngunit sa gospel ngayong Linggo, sinisiguro ng Panginoon na, “Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you” (Lk 11,9). (Fr. Bel San Luis, SVD)