ONYOK AT MAK-MAK copy

TINALO ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN ang pilot episode ng Encantadia ng GMA noong Lunes sa rating nationwide na 42.4% kumpara sa katapat sa kabilang istasyon na nakakuha naman ng 21%.

Naantig ang maraming manonood sa eksena ng pagkakabaril kay Lolo Delfin (Jaime Fabregas) at sa mahusay na pag-arte ng bida na si Coco Martin bilang Cardo.

Bukod sa maaaksiyon eksena, ipinapakita rin ng palabas ang family values na higit na pinahahalagahan ng mga Pilipino, kaya patok ito sa madla.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isa sa hindi malilimutang eksena, na nagpakita ng pagpapahalaga sa pamilya, nang magtapat si Makmak (McNeal “Aura” Briguela) na siya ay bakla at nilinaw ni Cardo na buong puso niya itong tatanggapin, bagamat pangalawang ama lamang siya nito.

Pinatutungkulan din ng teleserye na ang konsepto ng pamilya ay hindi lamang tungkol sa tunay na dugo kundi sa mga taong nagmamahal sa iyo.

Dahil sa magagandang eksena at konsepto ng palabas, patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang teleserye.