Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 n.h. -- San Miguel Beer vs NLEX

7 n.g. -- Star vs Blackwater

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Makatabla sa Meralco at sorpresang lider Mahindra ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer at NLEX sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa pambungad na laro ng nakatakdang double header ng 2016 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa four-way tie sa ikalawang posisyon kasunod ng namumunong Bolts at Enforcers na kapwa may malinis na barahang 2-0, target ng magkaribal na maghiwalay ng landas.

Ganap na 5:15 ng hapon magtatapat ang Beermen at Road Warriors na susundan ng tapatan ng Star at Blackwater ganap na 7:00 ng gabi.

Manggagaling ang Beermen sa 124-113 panalo kontra Phoenix habang nagmula sa 96-90 panalo kontra Blackwater, ang Road Warriors.

Sa nasabing panalo ng Road Warriors nagtala ang kanilang import na si dating Miami Heat swingman Henry Walker ng 44 na puntos, anim na rebound at dalawang assist.

Ngunit, masusukat ang kanyang husay sa pagtapat sa dating league Best Import at resident reinforcement na si AZ Reid.

Samantala sa huling laban, mag- uunahan namang makapasok sa win column ang Star at ang Blackwater na kapwa nabigo sa una nilang laban.

Natalo ang Hotshots sa Mahindra , 92-100, sa overtime. (Marivic Awitan)