Luis at Jessy (PLEASE CROP) copy

PARANG You and Me Against The World ang drama nina Luis Manzanoat Jessy Mendiola sa rami ng kontra sa magiging relasyon nila. Pero sa kasong ito, ang karamihan sa fans nina Luis at Angel Locsin ang kalaban ng soon-to-be lovers o lovers na nga siguro.

Nasasaktan si Jessy sa mga akusasyon na siya ang rason ng break-up nina Luis at Angel. Sa interview ng ABS-CBN News sa aktres, naiyak siya at itinangging third party siya sa break-up nina Luis at Angel. Nakiusap din siya na huwag siyang isasali sa isyu nina Luis at Angel.

“You know, honestly, if it were true, I wouldn’t be here right now facing you guys. For me, it was clear that they broke up already when Luis started courting me. Babae ako, it happened to me before. I wouldn’t do that to any other girl.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“It hurts kapag sinasabi nila na, for a lack of better term, ahas ka. Labas ako sa kanila and what happened between the two of them. ‘Yung amin, I think dapat labas na rin siya doon,” sabi ni Jessy.

Si Luis ang lumalaban sa bashers nila ni Jessy, he took over Jessy’s Instagram account para malinis ng negative comments at minsang nag-post nito: “Question: Why do majority of bashers have ‘I love God’ or anything about God or bible verses/messages on their profiles... I wonder why?”

May isa pang pinatulan talaga ni Luis at sinagot ng, “It’s bitch tanga” sa maling tweet nitong “LMAO. Becoz you deserve to be bashed, binch.”

Hindi pa yata sinasagot ni Jessy si Luis at nasa ligawan stage pa lang sila, tiyak na mas iingay kapag naging official na silang magkarelasyon ‘pag inamin na nila. (NITZ MIRALLES)