woods2 copy

Ipinahayag ni dating world No.1 Tiger Woods na hindi siya makalalaro sa PGA Championship at sa kauna-unahang pagkakataon sa buong season ng PGA Tour ngayong taon.

Ayon sa opisyal na mensahe ni Mark Steinberg ng Excel Sports Management, nangangasiwa ng career ni Woods, sa The Associated Press nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na ipagpapatuloy ni Woods ang rehabilitasyon sa pinaoperahang likod.

Sa kanyang mga pagpapakita sa publiko noong Abril sa pagbubukas ng kanyang golf course sa Houston o sa pag-aayos ng tournament sa Washington, walang binigay na indikasyon si Woods kung kailan siya muling lalaro. Nagkaroon siya ng pangalawa at pangatlong surgery sa likod noong nakaraang taon at nais makasiguro na magaling na ito bago siya bumalik sa aksiyon.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Huling naitala ni Woods ang panalo sa 2008 US Open. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)