LUIS AT ANGEL copy

PIKON na raw ang Vilmanians at pati na rin ang Luisters, fans ni Luis Manzano sa mga pasaring ng bashers na very obvious na fans ni Angel Locsin at ng aktres mismo against Luis.

Ang pakiwari nila, nagagamit na si Luis sa promo ng bagong project ni Angel.

Ayon sa nakausap naming grupo ng mga nagmamalasakit kay Luis, hindi na maganda ang mga nababasa nila at kailangan na rin daw nilang tapusin ang pananahimik lang nila hinggil sa isyu.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Gamit na gamit na si Luis. Dapat no’n pa siya (Angel) nagsalita. Plus bakit siya nasasaktan at hirap makalimutan si Luis kung masamang tao ‘yun? Sa totoo lang, hindi kaya siya ang may problema sa ugali? Gustong hawakan niya sa leeg at maging ander niya ‘yung tao.

“Please stop acting… sabihin na kung ano ang totoo,” sey ng lider ng grupo na nagkandadalaiti sa galit.

Dagdag pa ng kausap namin, sobrang gentleman lang daw kasi ni Luis kaya hindi sumasagot.

“Ang dami na kasing masasakit na mga salitang sinasabi nila kay Luis lalung-lalo na sa Instagram ni Angel. Bugbog na sa kung anu-anong mga pasaring nila si Luis,” lahad pa rin ng grupo.

Naghihimutok din ang Luisters sa biglang pababago raw ng ugali ngayon ni Angel Locsin.

‘No’ng last weeks ng Pilipinas Got Talent, super dedma na si Angel. Naalala pa namin na nu’ng birthday ni Luis, hiningian lang si Angel ng greetings, eh, wala siyang sinabi. Grabe na rin ang mga bashers ni Luis from Angel’s camp.

Nakakapanggigil na,” tuluy-tuloy na litanya ng fans ni Luis.

Samantala, tiyak na hindi rin naman palalampasin ni Angel ang panggagalaiti ng fans ng dati niyang kasintahan.

(Jimi Escala)