Binawasan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bibilhing ballot boxes na gagamitin para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa Bid Bulletin No. 1 na inilabas ng Comelec Bids and Awards Committee (BAC), mula sa orihinal na bilang na 233,500, ay 75,253 ballot boxes na lamang ang bibilhin, o mas mababa ng 68 porsiyento.

Dahil dito, mas makatitipid ang Comelec ng P435,179,250 milyon dahil bumaba ang kanilang budget contract ng P206,945,750 milyon, mula sa dating presyo na mahigit sa P642,125,000 milyon. Ang bawat ballot box ay nagkakahalaga ng P2,750.

“Pursuant to Comelec Minute Resolution No. 16-0436 dated July 12, 2016, the quantity, unit price, and the total Approved Budget Contract of the Ballot Boxes has been revised,” nakasaad sa Bid Bulletin.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Ang interesadong bidder ay maaaring bumili ng bid documents sa non-refundable fee na P50,000.

Idaraos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 31. (Mary Ann Santiago)