BIRMINGHAM, Alabama (AP) — Isang kamay lamang ang ginamit ni Deontay Wilder para manalo at bago pa man magdiwang ang kanyang kampo, diretso ang boxer sa ospital para magpagamot.

Deontay Wilder
Deontay Wilder
Napanatili ni Wilder ang WBC heavyweight title sa kahanga-hangang technical knockout win kontra kay Chris Arreola sa ikawalong round ng kanilang duwelo nitong Sabado (Linggo sa Manila), sa Legacy Arena.

Namaga ang kaliwang mata ni Arreola nang matapos ang laban. Napabagsak siya ni Wilder (37-0, 36 knockouts) sa ikaapat na round sa kabila ng pagkapinsala ng kanang kamay ng kampeon.

Ayon kay promoter Lou DiBella, nagtamo ng bali sa buto sa kanang kamay si Wilder at napunitan ng muscle sa kanyang bicep.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bago isinugod sa ospital, ipinakita ni Wilder sa mga reporter ang namamaga niyang bicep at kanang kamay na nabali nang tamaan niya sa ulo ang karibal.

Nagawa rin niyang hamunin para sa susunod na laban sino man kina Wladimir Klitschko at Tyson Fury o maging si Anthony Joshua.

“My goal is to unify the division,” sambit ni Wilder.

“I’m one of the baddest, hardest-hitting heavyweights in the business. Right here from Alabama, baby. I came a long way. So whoever’s got those belts, that’s who I want. It don’t matter if I got a broke hand, got a torn muscle, I’m going to fight like heavyweight champions do. I don’t play boxing. Of course I want the Furys, of course I want the Joshuas but the question is, do they want me?” aniya.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na naidepensa ni Wilder ang korona.

“I wanted to give you guys a knockout, but I broke my hand and I tore a muscle in my right hand,” sigaw ni Wilder sa crowd na aabot sa 12,000.