TALISAY, Batangas - Patay ang isang barangay tanod na pinaghihinalaang magnanakaw ng kambing matapos umanong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap mismo ng barangay hall sa Talisay, Batangas.

Dead-on-arrival sa St. Andrew Hospital si Romeo Permalo, 57, tanod ng Barangay Quiling sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:15 ng hapon nitong Hulyo 12, at nakaupo sa harap ng barangay hall ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek na nakasuot ng itim na jacket at bonnet.

Narekober sa lugar ng krimen ang isang nakatuping papel na may nakasulat na “’Wag U ako tularan, magnanakaw ako ng kambing maraming susunod dito”. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?