TARLAC CITY – Iniimbitahan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC)-Region 3 ang mga photo enthusiast sa Central Luzon na lumahok sa kauna-unahan nitong Resilience Mobile Photography Contest.
Sinabi ni RDRRMC-3 Chairperson at Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Josefina Timoteo na ang mga isusumiteng larawan ay dapat kinunan mula Enero hanggang Hulyo 20, 2016 lamang, at nagpapakita ng iba’t ibang programa, gawain at mga proyekto tungkol sa disaster prevention, mitigation, preparedness, response, rehabilitation, at recovery.
Sa mga interesadong lumahok, magrehistro sa opisyal na website ng OCD (www.ocd.gov.ph) at punan ang online registration form. Ang deadline ng pagsusumite ng entry ay sa Hulyo 20, 5:00 ng hapon. (Leandro Alborote)