Luis copy

APAT ang TV show ngayon ni Luis Manzano, ang The Voice Kids, ASAP, Family Feud at ang bagong Minute To Win It, kaya siya na ang tinatawag na King of TV Hosting.

Among Kapamilya stars, pinakamapalad at pinakamagaling si Luis kaya sa kanya ipinagkakatiwala ng ABS-CBN ang pagiging host o main host sa kaso ng ASAP ng mga nabanggit na programa. Pero ayon kay Luis, may kanya-kanyang diskarte lang naman ang paho-host.

“May kanya-kanyang offering lang naman kami. That’s the reason why I don’t do beauty pageant hosting. Can you imagine, ang dami nang nai-offer sa akin to host ng isang beauty contest pero ‘di ko tinanggap. That’s not my strength,” paliwanag ni Luis.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ng panganay ni Cong. Vilma Santos, iniiwasan niyang mag-host ng beauty contest dahil tiyak na kinabukasan after his hosting ay katakut-takot na pagba-bash ang mababasa niya.

“Pumapatol kasi ako at aminado naman ako na bastos ako at palamura rin. Kumbaga, hindi ko naman inilalagay ang sarili ko sa pedestal,” sey ni Manzano.

Inamin ni Luis na kabaligtaran siya ng parents niyang sina Ate Vi at Edu Manzano.

“Never naman akong nagmalinis. Sa akin, eh, gantihan lang, make sure na mas malakas ka kaysa akin. Sabihin na nila ang bait-bait mo. Hindi po, masama ang ugali ko. I swear, I mean, that from my heart. Hindi po ako nagbabait-baitan.

Nagpapakaplastik, palamura po ako,” banggit pa ni Luis.

Pero may mga katotong hindi naman sumang-ayon sa sinabi ni Luis, marami pa rin ang naniniwala na isa siya sa pinakamabait na actor. At sa totoo lang, kagaya ng kanyang ina ay isa si Luis sa iilang taga-showbiz na kilala ang halos lahat ng press people.

Samantala, hindi na rin inilihim ni Luis ang tungkol sa kanilang dalawa ni Jessy Mendiola. Inamin na niyang lumalabas o nagdi-date silang dalawa.

“Lumalabas kami. Kasi kapag ‘dinenay ko ‘yon ay magagalit kayo sa aking lahat. Mukha naman akong tanga kapag ‘dinenay ko ‘yon. Hindi kami puwedeng mag-deny kasi mayroon kaming pictures online. Parang ang weird naman noon kung idi-deny ko ‘yon,” pag-amin pa ng premyadong TV host. (Jimi Escala)