Ibebenta sa compound ng Quezon City Hall ang mga hand-crafted bag, rugs at bracelets, maging mga skin cream at pabango na gawa ng mga may kapansanan sa Hulyo 17-23, 2016.
Ang event ay kasabay ng pagdiriwang ng lungsod ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang “Karapatan ng May Kapansanan, Isakatuparan…Now Na!”
Pangungunahan ng QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO), layunin ng aktibidad na mai-promote ang mga produktong likha o hinabi ng mga person with disabilities (PWD).
Ayon kay Mayor Herbert Bautista, patuloy na aayudahan ng pamahalaang lungsod ang mga may kapansanan upang makatanggap ang mga ito ng kaukulang benepisyo.
Tampok din sa pagdiriwang ang disability forum, Search for Apolinario Mabini Awards, medical mission, wheelchair distribution, at orientation tungkol sa community-based disaster risk reduction and management. (Jun Fabon)