Sinuspinde ang lahat ng large scale mining sa Zambales mahigit isang linggo matapos maupo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Gina Lopez, na kilalang tagakampanya laban pagmimina, sa ahensiya na namamahala sa kontrobersiyal na sektor.

Sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), isang kagawaran sa ilalim ng DENR, ang mga operasyon ng dalawa pang kumpanya ng pagmimina sa Zambales sa batayan ng environmental degradation.

Ang mga sinuspindeng kumpanya bunga ng magkakahiwalay na writs of Kalikasan na inilabas ng Supreme Court ay ang Benguet Corp Nickel Mines Inc. at Zambales Diversified Metals Corp., kasama ang iba pang large scale mining firms sa Zambales gaya ng LNL Archipelago Minerals Inc. at Eramen Minerals Inc. na hindi pinahihintulutang mag-operate hanggang ngayon.

“It was in view of the Writ of Kalikasan issued by the Supreme Court and the newly signed Executive Order by the local government unit of Zambales, suspending all mining operations in the province,” pahayag ni MGB Director Leo Jasareno.

Tsika at Intriga

Jonathan Manalo, binira si VP Sara sa pagbanggit kay Ninoy laban kay PBBM

Sinabi ng DENR na ipinatupad ang joint suspension order “in order to ensure that the environment, particularly the communities, farmlands, and water bodies are not in any way compromised”. (Madelaine B. Miraflor)