WASHINGTON (AFP) - Kinumpirma ng International Monetary Fund (IMF) nitong Biyernes na inaprubahan nito ang $364-million emergency loan para sa Ecuador, na niyanig ng napakalakas na lindol noong Abril.

Makatutulong ang pera sa gastusin ng bansa habang nahaharap sa malaking pinsala dulot ng lindol, na ikinasawi ng 700 katao.

“The April 16 earthquake that hit Ecuador caused significant humanitarian losses and damage to infrastructure, housing, and agriculture,” saad sa pahayag ni IMF Deputy Managing Director Min Zhu.

Ilang araw matapos ang paglindol, inihayag ng gobyerno na nangangailangan ito ng $3.3 billion upang muling makabangon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina