CAPAS, Tarlac - Isang hinihinalang drug pusher na sinasabing pangatlo sa top 10 drug personalities sa bayan ng Capas ang iniulat na napatay matapos makipagsagupaan sa mga pulis sa Barangay Cristo Rey ng bayang ito.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Domingo Ong, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar.

Nang isilbi ang arrest warrant sa kasong droga, bumunot umano ng baril si Ong at nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa mapatay.

Nakarekober ang awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ng isang .45 caliber Colt 1911 pistol, magazine nito, mga basyo ng bala at dalawang live ammunition. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog