SAN JUAN, Batangas – Tinangka pang tumakas subalit naabutan din ng mga pulis ang isang drug pusher na nauwi sa engkuwentro at pagkamatay nito sa San Juan, Batangas.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Ronelon Villalobos.

Ayon sa report ni PO3 Edward Hernandez, dakong 2:30 ng umaga nitong Huwebes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Barangay Lipahan.

Nang matunugan ng suspek na asset ng pulis ang bibili ng shabu sa kanya, ay kaagad nitong pinaharurot ang kanyang motorsiklo para tumakas subalit hinabol siya ng mga awtoridad hanggang sa magkabarilan. Nakuha sa lugar ng krimen ang cal.45 baril, bala, at 5 pakete ng pinaghihinalaang shabu. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog