PURA, Tarlac – Pinasok ng mga kawatan ang municipal building ng Pura, Tarlac at pinagnakawan ang accounting office at iba pang tanggapan.

Natuklasan ni Herson Faustino, 44, Municipal Aide, ng Barangay Poblacion 2, Pura, Tarlac, ang panloloob nang pumasok siya sa munisipyo para maglinis, at agad itong iniulat sa pulisya.

Sa imbestigasyon ni PO1 Milan Ponce, natangay ng mga kawatan ang isang cellular phone na nagkakahalaga ng P1,500 na pag-aari ng isang empleyado ng COOP Treasurer, P1,800 cash mula sa isang accounting officer, HP Pentium Laptop na nagkakahalaga ng P15,000, at external memory na nagkakahalaga ng P3,000 mula sa MPDO Office.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog