HANOI, Vietnam (AP) – Nagprotesta ang Vietnam laban sa military drill ng mga Chinese sa pinagtatalunang South China Sea at hiniling na itigil ng China ang mga aksiyon na ayon dito ay banta sa seguridad at maritime safety.

Inanunsiyo ng China na itutuloy nito ang isang linggong military drill sa paligid ng Paracel islands, na sinimulan kahapon at matatapos sa bisperas ng paglabas ng desisyon ng international tribunal sa kasong inihain ng Pilipinas para hamunin ang pag-aangkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea.

“Vietnam strongly protests and demanded that China respect Vietnam’s sovereignty, behave responsibly, immediately stop and do not take actions that threaten security, maritime safety in the East Sea or escalate tension in this region,” pahayag ni Foreign Ministry spokesman Le Hai Binh, na ang tinutukoy ay ang South China Sea.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'