Tapos na ang maliligayang araw ng mga tiwaling empleyado at agent ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay matapos balaan ng bagong talagang si NBI Director Dante Gierran ang mga tauhan niyang sangkot sa anumang ilegal na gawain.

Sa pagharap sa mga empleyado ng ahensiya sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan nitong Lunes, mariin niyang inihayag na may hawak siyang listahan kung sinu-sinong empleyado ng NBI ang may kinasasangkutang kaso.

“Hindi kayo makalulusot sa ‘kin. Alam ko kung sino kayong mga gumagawa ng ilegal. Mahaharap kayo sa mabigat na kaso,” babala ni Gierran.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kasabay nito, pinaalalahan din ng bagong NBI director ang mga kawani ng ahensiya na tumalima sa mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa katiwalian. (Beth Camia)