AKRON, Ohio (AP) — Kabilang din si Hideki Matsuyama ng Japan sa world rank player na hindi lalaro sa golf competition ng Rio Olympics dahil sa takot sa Zika virus.

Ipinahayag ni Matsuyama nitong Linggo (Lunes sa Manila) matapos ang kampanya sa Bridgestone Invitational na hindi niya isasakripisyo ang kalusugan sa Olympics.

Si Matsuyama, two-time winner sa PGA Tour, ang ikapitong player na nasa top 25 sa world ranking ang umatras para maglaro sa Olympics. Sa kabuuang 11 golfer na umatras, pito rito kabilang na si world No.1 Jason Day ang tahasang ibinigay na dahilan ang Zika virus.

“It’s heart wrenching,” sambit ni Matsuyama.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA